Forgot your password? Forgot your username?
Member Area
You are here:
Pacquiao focuses on showbiz before Hatton
Written by staff   
Saturday, 24 January 2009 05:50

Bago tuluyang sumabak sa training si Manny Pacquiao ay pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanyang role sa teleseryeng "Totoy Bato" na pagbibidahan ni Robin Padilla.

Makakasama din ni Manny at Robin ang Asia’s Songbird Regine Velasquez at ang beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Isang boxing trainer ang role ni Garcia sa naturang soap opera at isa sa mga sinanay niyang boksingero si Manny.

"Isa akong nagsisimulang boksingero dito. Makikita ako ni Eddie Garcia at siya ang mag train sa akin," kuwento ng Pambansang Kamao.

"Habang sumisikat ako at nananalo ay hindi ako makakalimot sa naitulong niya sa akin," dagdag ni Pacquiao. "Tatanaw ako ng utang na loob sa kaniya sa pagbigigay ng pera para makapagpatayo siya ng gym kung saan makakapag train pa siya ng mga nagsisimulang boksingero."

Sa bagong gym ng trainer na si Garcia niya makikitaan si Robin na may potensyal na maging kampeon.

"Maganda ang istorya at sigurado ako susubaybayan ito ng mga kababayan natin dahil me magandang twist ito sa bandang huli na aabangan ng mga manonood," pahayag ni Pacquiao.

Inihayag din ni Manny na sa ngayon ay wala pang kasunod na pag uusap ang planong pagsasama nila ng Hollywood action star na si Sylvester Stallone, na nakilala sa role niya bilang boksingero sa Rocky movie series, sa isang pelikula. Aniya ay pareho pa silang busy dahil sa iba’t ibang commitment.

Samantala, ay tuloy na tuloy naman na ang napipintong laban ni Manny kay British boxer Ricky Hatton sa May 2. Nakatakdang pumunta si Manny sa Amerika para pormal ng pirmahan ang kontrata at simulan ang promo tour.
 
Related Articles
WebPhilippine Sports

More from this Section

News

Professional Sports

Who's Online

We have 10 guests online